103

By

40% ng SRP products nagtaas ng presyo – DTI

IBINAHAGI ng Department of Trade and Industry na 40 porsiyento ng mga produkto may suggested retail price (SRP) ay nagtaas ng presyo.

Sinabi ni Trade Undersecretary for Consumer Protection Ruth Castelo taliwas ito sa sinabi ng isang consumer advocacy group na 113 porsiyento ang nagtaas ng presyo.

Dagdag pa ni Castelo na base sa kanilang komputasyon sa 209 produkto, 84 ang nagtaas ng presyo.

” This comprises only 40 percent, contrary to the 70-113 percent alleged by Laban Konsyumer, Inc.,” dagdag pa ni Castelo.

Sinabi pa nito na ang ang mga nagtaas ay mga canned fish at meat products at aniya hindi lahat ng brand ay nagdagdag ng presyo.

Aminado si Castelo na nagmahl ang mga pangunahing bilihin at pangangailangan bunga ng mataas na halaga ng langis sa pandaigdigang merkado, mahinang halaga ng piso kontra dolyar at mataas na presyo ng mga raw materials.

Sinabi pa nito na maaring may kontribusyon ang TRAIN Law sa pagtaas ng presyo ngunit hindi dapat sisihin ang tax reform package ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?