48

Jul 27, 2021 @ 20:50
By

40 misa isasagawa para kay PNoy

Magkakaroon ng 40 misa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas para sa 40 Days ng pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon sa Ninoy & Cory Aquino Foundation, mangyayari ang “misa ng taumbayan” sa Agosto 1, 2021 na handog din sa yumaong ina ni Noynoy na si ex-President Cory.

Alas-5 ng hapon ang pangunahing misa at live na mapapanood sa Kaya Natin Facebook page na https://www.facebook.com/KayaNatinPH.

Pagkatapos ng misa ay magbibigay ng mensahe si Vice President Leni Robredo.

Pinaghahanda ng kandila ang lahat na sabay-sabay sisindihan para kina Noynoy at Cory.

Namatay si PNoy noong June 24 sa edad na 61 dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?