56

Feb 25, 2020 @ 16:06
By

40 MILF arestado sa mga baril, pampasabog

Nasakote ang 40 hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil sa pag-iingat ng malalakas na uri ng armas gayundin ng mga pampasabog, Lunes ng hapon sa Barangay Tikalaan sa bayan ng Talakag, Bukidnon.

Ayon kay P/Col. Roel Lami-ing, provincial director ng Bukidnon PNP, naaresto ang mga suspek na pawang mga miyembro ng MILF 118 Bon Vashier Unit sa ilalim ng pamumuno ni Abdulbasser Sulaiman Tahir na kanilang base commander.

Nabatid na dakong alas-3:11 ng hapon nang mahuli ng pulisya ang mga suspek sa ikinasang Simultaneous Agreesive Police Operations sa lugar.

Lulan ang mga ito ng kulay dilaw na Elf truck at nabatid na ang mga ito’y reinforcement ng MILF sa Camp Madaya Basak Talakag na sangkot sa pamamaril noong Pebrero 21.

Sasampahan sila ng mga kasong paglabag sa Illegal Posession of Firearms and Ammunitions at Illegal Posession of Firearms and Explosives.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?