58
russell-westbrook
Dec 29, 2018 @ 20:46

40 kinamada ni Westbrook, Suns sinunog ng Thunder

Wala man si Paul George, umariba naman si Russell Westbrook nang pangunahan ang Oklahoma City sa 118-102 na panalo kontra Phoenix Suns nitong Biyernes ng gabi (Sabado ng umaga sa Maynila).

Pumoste ng 40 puntos, 12 rebounds at walong assists si Westbrook habang nagbakas si Abdel Nader ng career-best 18 puntos.

Umayuda rin sa tropa sina Steven Adams na may 12 puntos at 13 rebounds at si Jerami Grant na may 12 puntos at walong boards.

Pumoste rin ang Thunder ng 15 of 19 field goal attempts sa fourth canto at 7 of 20 sa three-point range.

Dinomina ng Thunder ang fourth quarter ng simulan ni Schroder sa dalawang sunod na baskets para iangat ang Oklahoma City, 85-84. Sinundan pa niya ng tigalawang tres at freethrows.

Nagpaulan si Westbrook ng 3-pointer para lalo pang umangat sa 102-88 ang kalamangan ng Thunder sa huling 6:09 ng laro at nagtuloy-tuloy ang pag-init nito hanggang sa tuluyang matapos ang labanan.

Nanguna para sa Suns si Devin Booker na may 25 puntos, 10 assists at pitong rebounds at si T.J Warren ay may 19 puntos, 16 na puntos at 13 puntos ang ambag ni Mikal Bridges. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?