26
human-traffic
By

40 biktima ng human trafficking nailigtas ng NBI

Nailigtas ng National Bureau of Investigation sa posibleng kapahamakan ang hindi bababa sa 40 biktima ng human trafficking sa Maynila.

Sabi ng NBI patungo sa Middle East ang mga biktima na ikinulong sa isang apartment sa San Andres Bukid.

Pito sa 40 mga biktima ay pawang mga menor de edad na ang karamihan ay nagmula pa sa mga lalawigan ng Maguindanao at South Cotabato.

Gayunman, hindi na dinatnan ng mga awtoridad ang may-ari ng apartment nang lusubin ng NBI.

Ikinasa ng NBI ang operasyon matapos magsumbong ang isang 17 anyos na biktima na patungo na sana sa Saudi Arabia ngunit naharang ng mga awtoridad sa NAIA dahil sa mga kuwestiyunableng mga travel documents.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad laban sa mga may-ari ng nadiskubreng apartment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?