8

Aug 3, 2020 @ 15:57
By

40 bansa bukas na sa mga Pinoy

Kabuuang 40 na bansa ang pumayag nang magpapasok ng mga Pilipino sa gitna ng pandemic, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kabilang sa mga bansang ito ang Dominican Republic, Ecuador, Jamaica, Pakistan, Papua New Guinea, French Polynesia, New Macedonia, Tanzania, Zambia, Kenya at Sudan.

Sa China, Taiwan, Vietnam at Marshall Islands, Sri Lanka at Guyana ay pinapayagan ang mga Pilipino na dual citizen ng destination country and/or returning resident, mga OFW na may work visa at kontrata, diplomatic o UN passport holder at mga government official na nasa official travel.

Samantala, nasa 146 na bansa naman ang pinayagan nang makauwi sa Pilipinas ang mga Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?