22

May 5, 2021 @ 13:18
By

40 baboy natodas sa aksidente, kinatay ng mga residente

Pinakyaw ng mga residente sa Navotas City ang aabot sa 40 baboy na namatay sa pagtagilid ng truck na sinasakyan ng mga ito.

Nasa 160 baboy ang laman ng isang 14-wheeler truck ng tumagilid ito habang papaliko sa R-10 Road sa Navotas.

Ito ang dahilan kung kaya’t namatay ang aabot sa 40 baboy, na kaagad dinumog ng mga residente.

Ang mga buhay namang baboy ay agad dinala sa katayan.

Sa report ng ‘Unang Balita’, may nagbantay pa umano sa mga namatay na baboy, ngunit aniya’y wala nang nagawa nang kunin ng ito ng mga residente.

Makikita sa video na ilan sa mga baboy ay kinatay at pinaghati-hatian na mismo sa kalsada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: