106

By

40-50 katao nalibing ng buhay sa bunkhouse sa Benguet

Sharing is caring!

Tinatayang nasa 40-50 katao ang pinaghahanap pa rin matapos matabunan ang pinagtaguang bunkhouse sa kasagsagan ng bagyong Ompong,nitong Linggo, Setyembre 16, sa Itogon, Benguet.

Ito ang ibinalita ni Itogon Mayor Victorio Palangdan na may 40 katao pa ang na-trap sa isang bunkhouse na natabunan ng putik matapos ang naganap na landslide.

Una nang naibalita na may 32 katao ang natabunan ng buhay habang nasa 29 katao pa ang nawawala sa kasagsagan ng pag-uulan sa Itogon, Benguet.

“May isang bunkhouse ng isang kompanya na may tinatayang 40-50 people trapped. Pero natabunan na ng lupa, ‘yun ang inaalala namin baka patay lahat ng mga yun,” ayon sa alkalde.

Inilahad ni Mayor Palangdan na alam nilang delikado ang lugar sa pagguho ng lupa dahil ito raw ay dating minahan ng Benguet Corporation ilang daang taon na ang nakakaraan.

Kayat iuutos ng mayor na ipagbawal na ang pagmimina sa lugar dahil sa nangyaring sakuna.

“No more mining should be done in this municipality,” dagdag niya.

Kasalukuyang nagsasagawa pa ng search and rescue ang Itogon para sa pagsagip ng mga taong na-trap sa loob ng bunkhouse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?