24

Dec 19, 2017 @ 12:50

4 win streak ng Knicks, pinutol ng Hornets

Naibuslo ni Frank Kaminsky ang 15 sa kanyang season high-tying 24 points sa first half para tumulong mula sa bench sa panalo ng Charlotte Hornets, 109-91, laban sa New York Knicks.

Bihira ang mintis ni Kaminsky sa bawat pukol niya ng bola kung saan nakatapos siya ng 10 sa 13 kabuuan at nagawang maikonekta sa basket ang apat sa anim niyang 3-pointers para magsilbing enerhiya sa bangko ng Hornets.

Naging maalat ang laro ng Hornets dahil na rin sa diskarte sa playing rotation ng kanilang interim head coach na si Stephen Silas.

Pero nitong Lunes (Martes, Manila time) ay nagawang gumamit ng 12 players ni Silas sa rotation ng team kaya’t nakalamang ng higit sa 27 puntos ang Charlotte.

Naputol ng Hornets ang tatlong sunod na laro na pagsemplang habang diniskaril nila ang apat na winning streak ng Knicks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?