39

Nov 1, 2017 @ 13:48

4 wanted nalambat ng NPD

Nasa apat na mga kalalakihang wanted at mga nahaharap sa iba’t ibang kaso ang naaresto ng Northern Police District (NPD) sa magkakahiwalay na operasyon na kanilang isinagawa kamakalawa ng gabi at kahapon ng umaga.

Ganap na alas-11:00 ng umaga nang madakip ng mga tauhan ng NPD Warrant and Subpoena Section ang isa sa mga itong si Jomar Yee Blando, 28-anyos, pintor at residente ng Barangay North Bay Boulevard South na nahaharap sa kasong attempted murder na ibinaba ni Judge Ronald Torrijos ng Branch 288 ng Navotas City Regional Trial Court.

Ganap namang alas-12:30 ng tanghali nang madakip si Reynaldo Campana Datuin, 33, binata, walang hanapbuhay, sa kanyang bahay sa Barangay Sipac Almacen na nahaharap naman sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal gambling.

Naaresto rin si Dionisio Alfante, alyas Nuno, 31, nang ihain sa kanya ang warrant of arrest na ibinaba ni Judge Evangeline Franciso ng Regional Trial Court Branch 270 dahil naman sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Dinakip din ang housekeeper ng Fatima Hospital na si Roland Ramos Ramoso, tubong Surigao del Sur, ganap na alas-2:30 ng hapon, sa mismong pinagtatrabahuhang ospital para naman sa kasong acts of lasciviousness at physical injuries na ibinaba ni Judge Marita Iris Lagui-Genilo ng Metropolitan Trial Court Branch 109. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?