4 UN peacekeepers patay sa pag-atake sa Mali

Sharing is caring!

Apat na United Nations (UN) peacekeepers at isang sundalo ang namatay sa Mali sa magkakahiwalay na pag-atake.

Sa BBC News, kinumpirma ng UN ang insidente kung saan inaalam pa ang nasyonalidad ng mga namatay.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang UN kung sino o anong grupo ang nagsagawa ng pag-atake.

Matagal nang binabagabag ng Islamist militants ang bansang Mali, na karatig ng Niger at Burkina Faso, kung saan madalas atakehin ng militanteng grupo ang international peacekeepers at ang Malian military.

Mula pa noong 2013 nasa Mali na ang tropa ng UN para maghatid ng serbisyo sa mga mamamayan.

Nangyari ang pag-atake habang nasa medical mission ang grupo ng mga peacekeepers.

Nagpasaklolo na ang UN Security Council sa gobyerno ng Mali upang imbestigahan ang pangyayari at mapanagot ang maysala dito.

Ang Mali, partikular na ang rehiyon ng Timbuktu, ang isa sa pinaka-delikadong lugar sa buong mundo kung saan may nakatalagang UN peacekeepers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?