33

Feb 27, 2020 @ 17:26
By

4 tulak timbog sa Marikina

Arestado ang apat na kabilang sa listahan ng unified watch list ng Marikina Police matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation kagabi sa Barangay Parang, Marikina City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga suspek na sina Dominga Javillonar, 39-anyos; Randy Nivarez, 28-anyos; Reynaldo Moreno, 49-anyos; at Amelia Javillonar, 37-anyos, pawang mga residente ng Marikina City.

Inaresto ang mga suspek bandang 11:20 ng gabi, Pebrero 26, sa Molave St., Barangay Parang, Marikina City matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Marikina drug enforcement unit.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 11 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na nasa siyam na gramo ang timbang at nasa P61,200 ang halaga at P500 buy bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?