28
views

By

4 tulak tiklo sa buy-bust sa Marikina

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng apat na kilalang bigtime pusher ng Parang, Marikina matapos malambat sa ikinasang drug buy bust operation, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Marikina Police Chief Roger Quesada, ang mga suspek na sina John Patrick Mendoza y Fulgencio, 27 anyos, residente ng 56 Paraluman St. Barangay Parang Marikina City, Eram Nesly Asuncion y Jose, 30 anyos, ng 520 Bagong Silang St. Parang, Mark Jordan Reyes y Dela Paz, 28 anyos ng Bagong Silang at Niel Villaverde y Hernandez, 30-anyos, ng Santisimo St. Brgy Sto Nino Marikina City.

Batay sa report, nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng drug enforcement unit na kung saan nakipagtransaksyon sa mga suspek ang dalawang police poseur buyer at asset bandang
10:20 kamakalawa ng gabi sa kahabaang ng Bagong Silang St corner Paraiso St. sakop ng Barangay Parang Marikina City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 11 piraso ng plastic transparent sachet na naglalaman ng droga at P500 peso marked money bill.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detentiom cell at pawang mga nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?