26

By

4 tricycle driver sugatan nang mabagsakan ng scaffolding

Sharing is caring!

Apat na mga tricycle driver ang sugatan matapos na mabagsakan ng mga scaffolding mula sa ginagawang condominium sa Lungsod ng Caloocan kamakalawa ng gabi.

Ganap umanong alas 8:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa pilahan ng mga pampasaherong tricycle na matatagpuan sa kahabaan ng 12th Avenue, Grace Park, Barangay 71 ng nasabing lungsod.

Naghihintay ng pasahero ang mga driver bigla na lamang na magbagsakan ang mga scaffolding mula sa taas ng ginagawang condominium ng Surewell Equities na Torre de Florencia at mabagsakan ang apat.

Pawang mga sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang tama ng mga biktima na agad din namang nasaklolohan ng iba pa nilang mga kasamahan at naisugod sa Caloocan City Medical Center.

Wasak din ang kani-kanilang mga tricycle. Nakatakda namang ipatawag ang mga opisyal ng gusali ng lokal na pamahalaan ng lungsod. Ipapatigil din muna ang konstruksiyon sa gusali hangga’t hindi nasisiguradong ligtas ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?