86

4 todas sa salpukan ng trike, van sa GenSan

Patay ang 4 katao, kabilang ang isang tricycle driver, isang ginang, isang buntis at isang bata sa naganap na salpukan ng tricycle at van sa Barangay Apopong, General Santos City kahapon.

Ayon kay PO1 Joel Quilinderino ng Traffic Management Unit ng General Santos Police Office, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

Batay sa report, nag-overtake umano ang van sa isang motorsiklo subalit nahagip nito ang kasalubong na traysikel na patungong Polomolok, South Cotabato.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang limang sakay ng tricycle na dahilan ng pagkasawi ng apat habang kritikal naman ang isang sakay nito.

Tumakas naman ang driver ng van matapos ang insidente na kasalukuyang naka-alerto ngayon sa pulisya at inaalam kung may nakasaksi sa aksidente upang malaman kung nakuha ang numero ng plaka nito. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?