90

Jan 11, 2021 @ 17:30
By

4 todas, pinaliguan ng bala sa autoshop

Patay ang apat na lalaki matapos pagbabarilin sa isang auto shop sa Biñan City, Laguna kahapon, Enero 10.

Kinilala ang mga nasawi na sina James Anthony Alonalon, Jason Mangahis at Carlo at Custer Tanael.

Ayon sa ulat, nasa loob ng shop sa P. Burgos St., Brgy. San Vicente ang apat nang pagbabarilin ang mga ito ng walong hindi pa nakikilalang mga suspek.

Itinakbo ang mga biktima sa Ospital ng Biñan ngunit binawian din sila ng buhay.

May kinilaman sa ilegal na droga ang tinitingnang motibo ng mga awtoridad kung bakit ito pinagpapaslang ng mga suspek.

Dati umanong lider ng isang drug group si Alonalon na nago-operate sa Biñan.

Dati na siyang naaresto ng kapulisan ngunit ibinasura ng korte ang isinampang kaso laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?