260

Jan 25, 2018 @ 11:26
By

4 timbog sa rape-slay ng 5-anyos sa Negros

Isinasailalim na ngayon sa masusing interogasyon ang apat na kalalakihan na inaresto kaugnay sa insidente ng panggagahasa, pagpatay at paglilibing sa isang 5-anyos na batang babae sa Bago City, Negros Occidental.

Nakalulong na ngayon sa detention cell ng Bago City Police ang mga suspek na sina Saldy Caspe, 60, mag-amang Job at Glenn Villanueva at isang 17-anyos na lalaking hindi na pinangalanan.

Ang mga ito ay dinakip matapos ituro ng di nagpakilalang saksi sa brutal na pagpatay sa walang muwang na batang si Noela Del Carmen, 5, ng Purok Balunggay, Barangay Malingin, Bago City.

Napag alaman na noong Lunes pa ng hapon nang mawala ang biktima kaya agad inireport sa barangay at pulisya.

Sa paghahanap, natagpuan na lamang na nakasilid sa sako at nakalibing sa hukay sa likuran ng bahay ng mga hinuling suspek ang biktima kaya agad dinakip ang mga suspek.

Sa pagsusuri sa bangkay ng bata, may mga matitinding bugbog sa katawan at natuklasang may dugo ito sa maselang bahagi ng katawan na nagpapatunay na ginahasa bago pinatay at isinilid sako saka inilibing. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?