59

Apr 10, 2018 @ 14:11
By

4 tiklo sa pot session sa Pasig

Apat katao ang inaresto habang nagpa-pot session gamit ang shabu makaraang makatanggap ng impormasyon na positibong may nagdodroga sa isang lugar sa Soldiers Village, Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga naaresto na sina Jaybe Gonzales y Sarmiento; Brian Borsigue y Ferrer; Richie Cebuan y Aspili at Juber Ababon y Cabanes, nasa hustong mga gulang at pawang mga residente ng Barangay Sta. Lucia, Pasig City.

Batay sa report, ikinasa ng mga tauhan ng station drug enforcement unit ang drug operation makaraang makatanggap ng tawag mula sa isang confidential informant na may nagaganap na pot session.

Ikinasa ang operayon bandang as-6:30 kamakalawa ng gabi sa Eastbank Road, Soldiers Village, at dito naaktuhan ang apat na nagdya-jamming.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng droga at drug paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell at nabatid na hindi kasama sa listahan ng drug watchlist ang apat.

Nahaharap ang mga nahuli sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?