25

By

4 tiklo sa buy-bust sa Tondo

Sharing is caring!

Arestado sa buy-bust operation ang apat na indibiduwal matapos mahulihan ng shabu sa Tondo, Manila.

Batay sa spot report ng Station Drug Enforcement Team ng Raxabago-Tondo Police Station, ikinasa nila ang buy-bust operation sa Sunog-apog cor. Pampanga Sts., pasado alas-11:55 gabi ng Linggo na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek na sina Dan Palolo Santos, 27-anyos; Jessica Halos, 30; Marvin delos Santos, 30, at Michael Acudesi, 19.

Ang apat na suspek ay pawang residente ng Tondo, Manila.

Ayon pa sa ulat ni Police Supt. Jay Dimaandal, station commander ng Raxabago-Tondo Police Station, sina Santos at Halos ay nasa drug watchlist ng pulisya.

Nabawi sa pag-iingat ng mga suspek ang anim na pirasong plastic sachet na naglalaman ng shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P3,000 at dalawang piraso ng P200 bill.

Pansamantala nang nakakulong ang apat na suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?