34
Panukalang dagdag sahod at 14 month pay sa mga manggagawa, pinuri ng TUCP
Oct 12, 2019 @ 18:16
By

4 testigo sa pagpatay sa kapitana, binigyan ng ‘check rewards’

Pinagkalooban nina acting Quezon City Police District Director, Police Colonel Ronnie Montejo at Quezon City Vice Mayor Gian Sotto ng “check rewards” ang apat na testigo sa pananambang kay dating Barangay Bagong Silangan Chairwoman Crisel Beltran at sa driver nito noong Enero 30, 2019.

Ang apat na testigo ay nakatanggap ng tig-iisang tseke (di-binanggit ang halaga) na ipinagkaloob nitong Sabado sa QCPD headquarters sa Camp Karingal, Quezon City, matapos na ipasa at aprubahan ng konseho ang resolusyon ukol sa nasabing pabuya.

Ayon kay Montejo, ang mga lumutang na testigo ang siyang naging susi sa pagkakaaresto sa suspek na si Teofilo Formanes at mga kasama nito sa pananambang kay Beltran at driver na si Melchor Salita.

Kasabay nito, hinimok ng QCPD official ang publiko na huwag matakot na i-report sa himpilan ng pulisya ang mga nasasaksihang krimen o kaya ay agad na itawag sa PNP hotlines o sa Isumbong Mo kay Oca: 0917-8475757, I-Send Mo sa Team NCRPO: Globe 0915-8888181, Smart 0999-9018181 at QCPD DD’S TIPLINE: 0917-8611870.

Makakaasa naman umano ang sinumang testigo na magiging confidential ang mga pangalan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?