374

Oct 12, 2019 @ 20:28
By

4 suspek sa pagpatay sa Masbate town vice mayor, pinalaya

Pinag-utos ng Manila City Police ang pagpapalaya sa apat na suspek sa pagpaslang kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Inatas ni Manila Deputy Prosecutor Joselito Obejas ang release para maimbestigahan pa umano ang kaso ng mga suspek.

Alas-10:00 umano ng umaga noong Biyernes pinakawalan ang apat.

Miyerkoles nang tambangan si Yuson habang nag-aalmusal kasama ang dalawang kaibigan sa Sampaloc, Manila. Namatay ang bise alkalde habang sugatan ang dalawa niyang kasama.

Nahaharap ang mga pinalayang suspek sa kasong murder at two counts ng frustrated murder na inihain ng pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?