131

By

4 suspek sa pagpatay kay Fr. Nilo, arestado

Sharing is caring!

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang gunman at tatlo pang suspek sa pagpatay kay Nueva Ecija priest Fr. Richmond Nilo.

Ayon sa report, kinilala ang gunman na si Omar Mallari na naaresto sa Arayat, Pampanga noong Hunyo 22 habang ang tatlo pa ay sina Manuel Torres, Marius Albis at Ronaldo Garcia.

Matatandaang binaril at napatay ng mga suspek na sakay ng motorsiklo si Fr. Nilo habang naghahandang magmisa dakong alas-sais ng gabi sa isang chapel sa Barangay Mayamot sa Zaragoza, Nueva Ecija noong Hunyo 10. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?