202

Jan 10, 2021 @ 11:14

4 suspek sa Dacera case nanghingi ng donasyon

Nanawagan ng tulong-pinansiyal ang apat sa mga kaibigan ni Christine Dacera na kabilang sa mga hinihinalang sangkot sa pagkamatay ng flight attendant.

“I would like to ask for your help to raise funds for me and my fellow friends who are struggling to finance a lawyer in assisting us in this situation & effectively defend us,” sambit ni Valentine Rosales sa Facebook.

“Again thank u to every single one of you who were here with us through our fight for the truth,” dagdag niya.

Bumuo sina Rosales, Clark Rapinan, Rommel Galido, at JP Dela Serna ng FB page na pinamagatang “Fund the Truth” para sa naturang layunin.

Magugunitang pinalaya ang tatlo sa 11 hinihinalang suspek dahil ayon sa pulisya, kulang pa ang ebidensyang hawak nila kaugnay sa pagkamatay ni Dacera sa isang Makati hotel noong Bagong Taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?