210

Nov 15, 2019 @ 22:16
By

4 suspek kulong habambuhay sa pagpaslang kay ad exec Kae Davantes

Hinatulan ng Las Piñas City Regional Trial Court ng parusang reclusion perpetua ang apat na akusado sa pagnanakaw at pagpatay sa isang advertising executive nang taong 2013.

Sa desisyon na ipinalabas ni Las Pinas Regional Trial Court Judge Salvador Timbang Jr, ng Branch 253, sina Samuel Decimo, Lloyd Benedict Enriquez, guilty ang mga akuasadong sina Kelvin Jorek Evangelista at Jomar Pepito sa pagnanakaw at pagpatay kay Kristelle “ Kae” Davantes, 25 na ilang taon na ang nakakaraan.

Sinabi ng korte na matibay ang testimonya ng saksing si Reggie Diel at walang duda na positibo ito sa pagkakakilanlan ng mga akusado.

Bukod pa dito ipinagbabayad din ng korte ng tig P125,000 bawat isa sa mga akusado bilang damages sa pamilya Davantes.

Base sa rekord, lumilitaw na pinagplanuhan ng mga akusado ang pagnanakaw at pagpatay kay Davantes.

Naganap ang insidente noong Setyembre 7, 2013 nang pagnakawan ng mga armadong kalalakihan ang biktima at natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang tulay sa Silang , Cavite.

May pasak na panyo ang bibig ng biktima at nakagapos ang kamay at leeg na may tama ng saksak.

Dahil dito, mismong si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang nag utos ng agarang paglutas sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?