89
Abante-TnT-asg
Dec 25, 2017 @ 16:42
By

4 sundalo, 1 sibilyan sugatan sa pananambang ng Abu Sayyaf sa Sulu

Sugatan ang apat na sundalo at isang sibilyan matapos ang ginawang pananambang ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Brgy. Taglibi, Patikul, Sulu kagabi.

Sa ulat ng militar, alas-6:45 kagabi nang manggulo at magpaputok ng baril ang nasa 20 miyembro ng ASG ilang metro ang layo mula sa kampo ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Brgy. Taglibi.

Agad na gumanti ang mga sundalo at nagkaroon ng bakbakan na nagtagal ng 25 minuto.

Kinilala ang apat na sundalong sugatan na sina Sgt. Ramonito Kilat; Sgt. Abutallib Alling; Cpl. Jun-mar Lomoggo at Private First Class Rodelio Domingo.

Habang ang sibilyang sugatan ay si Carmina Yusop.

Kasalukuyang ginagamot sa Kuta Heneral Teodulfo Station Hospital sa Busbus, Jolo, Sulu ang mga sugatang biktima.

Nanatili naman ang defensive position ng militar sa Patikul, Sulu para sa posible pang panggugulo ng mga terorista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?