191
ABANTE-TNT-sunog-apoy
Dec 20, 2017 @ 14:08

4 sugatan sa sunog sa Novaliches

Apat ang sugatan, kabilang ang dalawang bumbero nang masunod ang residential at commercial area malapit sa palengke sa Novaliches, Quezon City kaninang umaga.

Ang mga nasugatan ay Darwin Tagama, Rizalina Bayola, parehong residente ng Barangay Bagbag at mga bumberong sina FO1 Augusto Cariaga a FO3 Darnayla Adonis.

Ayon sa report, nagsimula ang sunog alas-8:00 na umaga kanina malapit Sauyo market , Barangay Bagbag, at umabot ito ng 4th alarm.

Naapula ang apoy matapos ang isang oras.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang nagngangalang Renante Llamis. Inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?