9

Oct 24, 2020 @ 12:57
By

4 sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

Nasaktan ang apat na katao, dalawa dito ay sundalo, matapos na sumabog ang isang landmine sa Ampatuan, Maguindanao nitong Biyernes.

Ayon sa Western Mindanao Command, nasugatan ang apat na katao habang nagsasagawa ng mine-clearing operation sa Brgy. Salman bandang alas-6:40 ng umaga.

Ang mga nasugutan ay parte ng 1st Mechanized Battalion ng Philippine Army at Civilian Active Auxiliary.

Dinala na sa ospital ang apat na biktima ng landmine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?