73

By

4 sawi sa salpukan ng 2 kotse, 2-anyos na bata himalang nakaligtas

Human error ang nakitang dahilan ng pulisya sa naganap na aksidente makaraang apat na pasahero ang agarang nasawi nang magsalpukan ang sinasakyang Montero sports at Toyota Vios, kahapon, Setyembre 7 sa Barangay San Rafael, Cabangan Zambales.

Batay sa report ng Cabangan Police Station, dahil sa tindi ng head on collision, dead on the spot ang driver ng kotse na kinilalang si Danilo Ladrigan, residente ng Barangay Lucero, San Marcelino, Zambales at Maria Ofelia Ebue habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang babaeng nasawing pasahero.

Himala namang nakaligtas sa aksidente ang isang batang babae na dalawang taong gulang na sakay ng kotse.

Ayon kay S/Insp. Marvin Domacena, hepe ng Cabangan Municipal Police Station, naganap ang salpukan bandang 2:40 Biyernes ng hapon sa National Highway, Barangay San Rafael na kung saan ay nagsalpukan ang isang kulay gray na Montero sport na may plakang UQI 990 at isang gray na Toyota Vios na may plakang VDX 231.

Nabatid na sakay si Ebue ng Montero na minaneho ni Gilbert Elorde, residente ng Binabalian, Candelaria, Zambales at sugatan din ang isang babae na sakay nito habang apat naman ang pasahero ng kotse, kabilang na ang isang bata.

Ayon pa kay Elorde, bigla umanong kumabig papunta sa kanilang lane ang kotse kaya nangyari ang aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?