6

Nov 5, 2020 @ 13:44
By

4 sa 5 Pinoy lumala ang buhay, Palasyo nalungkot

Ikinalungkot ng Malacañang ang Social Weather Stations (SWS) survey na 82% o apat sa limang Pilipino ay lumala ang sitwasyon ng kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakakalungkot ang resulta ng survey subalit may dahilan naman kaya nakaranas ng matinding hirap ang mga Pilipino.

Hindi lamang aniya ang bansa ang nakaranas ng COVID pandemic kundi ng buong mundo pero tuloy tuloy aniya ang pagsisikap ng gobyerno na matulungan at matugunan ang mga naapektuhan ng pandemya.

Kumpiyansa si Roque na makakaahon ang mga Pilipino sa dinaranas na epekto ng pandemya dahil malapit na aniyang magkaroon ng bakuna.

“Siyempre po nalulungkot tayo diyan, pero iyon naman ay dahil sa pandemya noh, so tingin ko naman from now bubuti na ang buhay natin. Palabas na po ang bakuna at natututo na rin tayong mabuhay bagamat nandiyan ang COVID-19,” ani Roque.

Batay sa survey ng SWS, pinakamatinding naapektuhan ay ang mga Pilipinong hindi nakapagtapos sa kolehiyo at mga pamilyang nakaranas ng involuntary hunger.

Ginawa ang survey mula September 17 hanggang 20 na ayon sa SWS ay isa sa mga pinakamalalang trend sa kanilang survey history.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?