16
abante visayas bicol road typhoon agaton
By

4 road sections sa Bicol, Visayas sarado pa rin sa motorista

Sharing is caring!

Apat na road section sa Regions 5, 6 at 8 ang hindi pa rin madaanan ng mga motorista dahil sa epekto ng Bagyong Agaton.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sarado pa rin sa daloy ng traffic ang kilometer 0951 + 600 ng Jaro-Dagami-Burauen-Lapaz sa Leyte dahil sa nasirang spillway sa Binahaan River.

Hindi rin muna madaraanan ng mga sasakyan ang Kananga-Tungonan-Hot Spring Road dahil sa soil erosion.

Naglagay na ang DPWH ng mga warning sign at naglabas na traffic advisory kaugnay ng mga nasabing kalsada.

Halos hindi naman madaanan ang dalawang bahagi ng Catanduanes Circumferential Road na nasa Barangay Giamlong sa Catanduanes, partikular ang bahagi ng Kilometer 0145 at 0146 dahil nagpapatuloy ang clearing operation sa mga guho doon. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }