173

Dec 25, 2017 @ 16:09
By

4 road section, 2 tulay na winasak ni Vinta sa Region 10, CARAGA sarado pa rin

Nananatili pa ring sarado sa mga motorista ang apat na road section at dalawang tulay sa Region 10 (Northern Mindanao) at CARAGA Administrative Region dahil sa epekto ng Bagyong Vinta.

Ito ay batay na rin sa pinakahuling monitoring ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa Lanao del Norte na nasa Region 10, hindi pa rin bukas sa traffic ang Dalama Bridge na nasa Bacolod-Madalum Highway matapos itong masira dahil sa flash flood; gayundin ang Daligdigan Bridge sa Salvador-Sapad-Nunungam Road na nasira rin dahil sa flashflood.

Sa Agusan del Sur na nasa Region 13, sarado sa mga motorista ang mga farm-to-market roads sa Buenasuerte, Borbon, Caimpuga at Embro na nasa Bayan ng San Francisco dahil mataas pa rin ang baha sa nasabing mga kalsada.

Dumanas din ng pinsala dahil sa Bagyong Vinta ang Spillway Type Water Dam sa Barangay Good Year sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay; Pagayawan-Dimarao Bridge at Esperanza-Babalaya Hanging Bridge sa Bacolod, Lanao del Norte; gayundin ang tulay na nagdurugtong sa Bayan ng Mahayag at Dumigag sa Zamboanga del Sur; at ang bahagi ng Salug Daku Bridge sa Barangay Poblacion, Mahayag, Zamboanga del Sur.

Ayon pa sa DPWH, umakyat na sa P150 million ang halaga ng pinsalang naitala sa mga imprastraktura nang dahil sa Bagyong Vinta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?