50
Barker dampot sa iligal na droga
By

4 rebeldeng NPA sumuko sa Zamboanga Sibugay

Sumuko sa kamay ng batas ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) kabilang ang kanilang team leader at isang medic matapos tanggapin ang pagbabagong buhay sa hirap na dinaranas sa pinagtataguang bundok sa Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Lieutenant Colonel Don Templonuevo, Army’s 44th Infantry Battalion commander, nakipag-ugnayan sa kanila ang mga sumukong rebelde at isinurender ang sarili noong Biyernes ng hapon sa bayan ng Titay.

Nakumpiska ang mga armas na M-14, AK-47, carbine rifles at caliber .38 revolver matapos ipagbigay-alam ng mga rebelde ang kanilang pinagtataguan ng mga armas habang isinurender naman nila ang dalawang improvised landmine bombs, tatlong cellular phones, ammunition at mga subversive documents na may high intelligence value.

Ayon sa mga rebelde, tumakas sila matapos malaman ang iniaalok ng pamahalaan na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-Clip) na para na rin sa kapakanan ng kanilang pamilya.

Sa kasalukuyan, nasa 31 NPA rebels na ang sumuko sa Army’s 102nd Infantry Brigade simula noong Enero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?