24

Sep 15, 2021 @ 10:13
By

4 rebelde utas sa Negros Occidental, 2 sugatan

Patay ang apat na hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Western Visayas matapos mapatay sa engkwentro kontra tropa ng militar at pulis.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, naganap ang bakbakan sa Sitio Balik Balik, Barangay Tabo, Ilog, Negros Occidental nitong Martes ng umaga.

Bukod sa apat na nasawi, sugatan naman ang dalawa nitong kasamahan.

Kinilala ang isa dito bilang si Nilda Bertulano.

Ani Philippine National Police chief Police General Lorenzo Eleazar, may kumanta raw kasi sa nasabing lugar na nagkakasa ng recruitment ang mga NPA doon.

Wala namang napaulat na nasawing militar o pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?