17

Sep 8, 2021 @ 13:15
By

4 rebelde sumuko sa Sulu

Sumuko ang apat na kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa tropa ng militar sa Talipao, Sulu nitong Martes.

Kinilala ang apat na armadong kelot na sina Totoh Jawhari, Daha Jawhari, at Rehim Jawhari na mula Barangay Buhanginan at Marjuli Julmorie mula Barangay Kagay sa Indanan.

Ayon sa ulat ng GMA News, sinurender din ng apat na lalaki ang kanilang mga armas kabilang ng ang tatlong garand rifles.

Nakatakdang sumailalim ang apat sa medical check-up at custodial debriefing.

Dagdag pa rito, makatatanggap din sila ng cash at rice assistance mula sa militar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?