131

Dec 5, 2021 @ 11:17
By

4 Quiboloy church member naghain ng not guilty plea

Apat na administrator ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang humarap online sa isang Los Angeles federal judge noong Biyernes.

Naghain sila ng not guilty pleas sa mga kasong sex at labor trafficking.

Ang tatlong akusado na nasa California na sina Guia Cabactulan, Amanda Estopare at Marissa Duenas ang nagpasok ng not guilty pleas kaugnay sa kinasasangkutang sex at labor trafficking, at immigration fraud ni Pastor Apollo Quiboloy.

Gayundin si Felina Salinas, na mula naman sa Hawaii.

Kabilang sila sa siyam na inakusahan kaugnay sa mga kasong sexual trafficking at labor exploitation ni Quiboloy at iba pang KOJC member.

Sa ngayon ay hinihintay ng gobyerno ang extradition request mula sa US government upang isuko roon si Quiboloy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?