26
ied

4 pulis sugatan sa pagsabog ng IED sa Masbate

Sharing is caring!

Pabalik na sana sa provincial police office ang apat na miyembro ng Regional Special Operations Task Group sa Masbate nang sumabog ang isang improvised explosive device (IED).

Sugatan ang apat na pulis na naka-base sa Camp Bonny Serrano matapos magsagawa ng search warrant kasama ang Baleno police nang sumabog ang IED sa Barangay Cajunday dakong alas-nuwebe ng umaga.

Dinala ang mga biktima sa Masbate Provincial Hospital para gamutin.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?