72

Dec 3, 2017 @ 18:41

4 pulis sugatan sa pag-atake ng NPA sa MisOr

Apat na pulis ang nasugatan matapos lusubin ng pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang police station sa Binuangan, Misamis Oriental Linggo ng umaga.

Ang mga nasugatan ay sina Senior Insp. Dante Hallazgo, officer-in-charge ng police station, SPO1 Ramonito Sambas, PO1 Josua Satur at PO3 Alberto Bernadas.

Sabi ni Hallazgo, umatake ang mga NPA alas-3:00 ng umaga at tumagal ang bakbakan ng dalawang oras. Tinatayang 60 hanggang 100 rebeldeng NPA ang sumama sa pag-atake.

Sabi ni Superintindent Lemuel Gonda, PNP spokesperson sa Northern Mindanao, nagsagawa sila ng checkpoint sa highway sa pagitan ng Cagayan de Oro at Butuan.

Bago ito sinabi ni Kimbo Velez, driver ng bus, na nakita niya ang mga rebelde na may bitbit ng AK46 nang harangin sila ng mga ito alas-2:30 ng umaga at sinabihan umano sila ng mga ito na huwag na tumuloy sa biyahe.

Tinangay pa ng mga rebelde ang dalawang Isuzu trucks na kanilang hinarang sa highway, sa pagtakas.

Patuloy ang pagtugis ng mga militar sa tumakas ng mga rebelde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?