16

By

4 pulis sinibak sa puwesto dahil sa pag-aresto kay Tisoy

Sharing is caring!

Tinanggal na ang precinct commander at ang tatlong pulis na umaresto kay Genesis “Tisoy” Argoncillo sa ikinasang anti-tambay noong Hunyo 15.

Ipinalabas ang kautusan ni Quezon City Police District director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., nitong Sabado sa pagsibak sa commander ng Police Community Precinct (PCP) 3 ng Police Station 4 at tatlo pang pulis sa pag-aresto kay Argoncillo dahil sa kasong alarm and scandal.

Kinilala ang mga pulis na sina PCP 3 Commander Police Senior Inspector Cyril Dagusen, Police Officer 1 Ruel Tubat, PO1 Paulo Lopez Jr., at PO1 Paul Hector Calderon.

Inaresto si Argoncillo dahil umano sa walang damit na pang-itaas pero kalaunan ay “alarm and scandal” ang reklamong inihain laban sa kanya.

Namatay ang biktima dahil sa multiple blunt force trauma habang nasa kustodiya ng pulisya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?