720

Jul 18, 2019 @ 21:17
By

4 pulis patay sa ambush sa Negros Oriental

Todas ang apat na pulis nang tambangan ng mga armadong lalaki na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army nitong Huwebes ng hapon sa bayan ng Ayungon, Negros Oriental.

Sa ngayon ay pansamantala munang hindi pinangalanan ng pulisya ang mga nasawing pulis dahil hindi pa naiimpormahan ang kani-kanilang mga pamilya.

Batay sa inisyal na ulat ng Negros Oriental Police, alas-2:30 ng hapon naganap ang insidente sa highway na sakop ng Sitio Yamot, Brgy. Mabato, Ayungon.

Lulan ng dalawang sasakyan at motorsiklo ang mga biktima nang tambangan ng mga armadong rebelde malapit sa bahay ng isang Oto Anadon.

Umabot pa ng ilang oras bago nakuha ang bangkay ng mga biktima dahil sa magubat ang lugar kung saan tinambangan ang mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?