68

By

4 presinto ng QCPD, napabilang sa ‘best police stations’

Pinapurihan ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., ang kaniyang mga opisyal at tauhan makaraang mapabilang ang apat nilang himpilan sa “top 5 best police stations” sa Metro Manila.

Ayon kay Esquivel, nanguna ang Novaliches Police Station 4 na pinamumunuan ni PLt. Col. Rossel Cejas; sinundan ng La Loma Police Station 1 sa pamumuno ni PLt. Col. Camlon Nasdoma, ikatlo ang Masambong Police Station 2 sa ilalim na PLt. Col. Rodrigo Soriano at ikalima naman ang Galas Police Station 11 na pinangangasiwaan ni PLt. Col. Carlito Mantala.

Nakopo naman ng Raxa Bago (PS1) ng Manila Police District ang ikaapat na puwesto.

Isinagawa ang awarding sa National Capital Region Police Office (NCRPO) headquarters sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City noong Hulyo 10, 2019 sa ginanap na Oversight Committee Meeting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?