23

Mar 18, 2021 @ 9:36
By

4 politiko sa Cagayan Covid-positive

Nahawa sa COVID-19 ang isang alkalde at tatlong bise alkalde sa tatlong bayan sa Cagayan.

Sa Iguig, sinabi kahapon ni Mayor Judithas Trinidad at ng kanyang Vice Mayor na mister na si Ferdinand na dinapuan sila ng virus.

Wika ni Judithas, asymptomatic siya, habang nakararanas naman si Ferdinand ng mild na sintomas ng sakit.

Samantala, noong Martes, inanunsiyo nina Solana Vice Mayor Jojo Carag at Pamplona Vice Mayor Azarelle Billas na nagpositibo rin sila sa COVID-19.

Ginawa ng dalawa ang anunsyo matapos hikayatin ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang mga lokal na politiko na coronavirus-positive na isapubliko ang kondisyon nila para mabatid ito ng kanilang close contacts.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?