39

Jun 4, 2020 @ 14:04
By

4 police officers, kinasuhan sa Floyd killing

Apat na pulis sa Minneapolis ang kinasuhan Miyerkules dahil sa kanilang pagkakasali sa pagkamatay sa isang nakaposas na “unarmed black man” na nagpasimula ng mga kilos protesta habang mas mabibigat na kaso ang isinampa sa pangunahing opisyal na responsible sa naganap.

Inihayag ng Minnesota prosecutors ang third-degree murder indictment kontra sa 44-anyos na si Derek Chauvin, ang kulay puti na opisyal na nakunan ng video na nakaluhod sa leeg ni George Floyd sa loo ng halos siyam na minute habang nagmamakaawa ang nakaposas na lalaki sa pagsasabi na “I can’t breathe.”

Una na inilagay sa kustodiya ng pulisya si Chauvin at posilble pa kasuhan ng third-degree murder at second-degree manslaughter, pati na rin second-degree murder MIyerkules, ayon sa mga prosecutor.

“I believe the evidence available to us now supports the stronger charge of second-degree murder,” sabi lamang ni Minnesota attorney general Keith Ellison. “We’re here today because George Floyd is not here. He should be here. He should be alive. But he’s not,” sabi pa ni Ellison.

Ang tatlong kasamahan ni Chauvin sa naganap na insidente noong Mayo 25 kung saan inaresto si Floyd sa pagbili nito ng sigarilyo gamit ang counterfeit bill ay inakusahan din bilang “complicit in the killing.”

Ang tatlo ay ang 34-anyos na si Tou Thao, ang 26-anyos na si J. Alexander Kueng at ang 37-anyos na si Thomas Lane, na inakusahan ng “aiding and abetting second-degree murder.”

Ang pag-aresto sa lahat ng mga opisyales na sangkot sa insidente ang patuloy na hiling ng mga nagpoprotesta na patuloy na nagsasagawa ng pagmartsa sa mga kalsada ng mahigit 20 lungsod sa loob ng siyam na araw upang ikondena ang police brutality at paghingi ng “racial justice.”

Nagpahayag naman ang pamilya ni Floyd na ang pag-aresto ay isang “bittersweet moment” at “significant step forward on the road to justice.”

“These officers knew they could act with impunity, given the Minneapolis Police Department’s widespread and prolonged pattern and practice of violating people’s constitutional rights,” sabi ng pamilya ni Floyd. “We are deeply grateful for the outpouring of support by Americans in cities across the country, and we urge them to raise their voices for change in peaceful ways.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?