101

Mar 6, 2020 @ 18:11
By

4 Pinoy na kinidnap sa Libya inalala

Ngayong Biyernes, ginunita ng Philippine Embassy sa Libya sina Donato Santiago, Gregorio Titan, Roladan Blaza, at Wilson Eligue.

Sila ang apat na Pilipinong kasamang dinukot ng lima pang dayuhan sa isang atake sa Al-Ghani Oil Field noong Marso 6, 2015.

Hindi pa rin sila natatagpuan ng mga awtoridad hanggang ngayon.

“Today, we remember four of our kababayan who were forcibly taken from the Al-Ghani Oil Field exactly five years ago. Donato Santiago, Gregorio Titan, Roladan Blaza, and Wilson Eligue have not been heard of since then,” wika ng Embahada sa Facebook, Marso 6, 2020.

“We pray that they would soon be found and reunited with their loved ones who have been waiting for them back home,” sabi pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?