67
leo-austria
Apr 2, 2018 @ 20:47
By

4-peat ng San Miguel ikakamada ni Austria

Mas nakinabang ang San Miguel Beer sa six-day break noong Holy Week kumpara sa Magnolia Ang Pambansang Manok.

Sariwa ang mga tuhod ng Beermen, nagkasa ng 15-0 run sa fourth quarter para itakbo ang 111-87 Game 3 win at 2-1 lead sa PBA Philippine Cup Finals.

Sa Miyerkoles, tatangkain ng SMB na lumapit sa four-peat title sa all-Filipino.

Pagkatapos ng 92-77 panalo ng San Miguel sa Game 2 noong March 25, anim na araw nagpahinga ang magkaribal.

“I think the one-week break worked on our favor,” lahad ni SMB coach Leo Austria sa postgame interview sa Smart Araneta Coliseum.

Lumayo ng 13 ang Beermen sa first pero nakabalik ang Hotshots, kumikikig pa kahit iwan sa 75-68 pagkatapos ng three pero tumukod.

“The key was that we’re able to match their energy,” dagdag ni Austria. “Actually, lagpas-lagpas pa.”

Naka-double-double pa rin si June Mar Fajardo sa isinumiteng 21 points at 17 rebounds kahit hindi na pinaglaro ni Austria sa buong fourth.

Pinangunahan ng 24 points mula sa 5 for 9 3-point shooting ni Marcio Lassiter ang Beermen.

“We were able to recharge, recuperate from minor injuries and focus,” suma ni Austria.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?