48

Aug 19, 2019 @ 16:30
By

4 patay sa gulo sa football match

Apat ang patay matapos ang naganap na away ng mga fan ng rival Honduran soccer teams na Motagua at Olimpia.

Nagsimula ang naturang away mula nang may naghagis ng bato at iba pang bagay mula sa mga fan ng Olimpia nitong Sabado ng gabi sa bus karga ang Motagua playes patungang National Stadium.

Basag ang mga salamin ng bus at tatlong manlalaro ang nasaktan mula sa pambabato.

Hindi nakaligtas ang former player ng Scotland’s Celtic club na si Emilio Izaguirre nang makakuha ng sugat malapit sa kanyang mata habang sina Roberto Moreira at Jonathan Rougier naman ay nagtamo ng sugat mula sa glass fragments.

“We were leaving the hotel when about 250 people attacked the bus with bottles in the street,” anang bus driver ng Motagua na si Marcos Castellanos.

Sinuspinde naman ng National League at mga pulis ang laro matapos ang nangyaring gulo sa stadium.

Nagbigay rin ng pahayag ang Police Spokesman na si Jair Meza na mayroong siyang nahuling fan na may bitbit na baril sa laro.

“We regret these situations and I call on the fans of Olimpia and other teams in the National League to avoid carrying out these acts which damage soccer,” ani ng Olimpia president Rafael Villeda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?