22

Sep 16, 2020 @ 18:08
By

4 patay sa bumagsak na helicopter sa Basilan

Apat katao ang naitalang nasawi matapos bumagsak ang isang military chopper sa lalawigan ng Basilan nitong Miyerkoles ng hapon.

Batay sa inisyal na ulat, nag-crash ang helicopter ng Philippine Air Force 505th Search and Rescue Group sa Barangay Upper Manggas sa Lantawan bandang ala-una ng hapon.

Ayon kay Lantawan municipal administrator Tahira Ismael sa ulat ng ABS-CBN, malakas ang hangin at buhos ng ulan sa lugar bago naganap ang insidente.

Narekober sa pinagbagsakan ng chopper ang mga katawan ng apat na sakay nito, ang isa ay babae.

Patungo sana ang helicopter sa Zamboanga para maglikas ng isang civilian personnel.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng chopper crash.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?