49

Sep 17, 2020 @ 15:18
By

4 patay sa bumagsak na helicopter sa Basilan natukoy na

Nakilala na ang apat na nasawi matapos bumagsak ang isang military chopper sa lalawigan ng Basilan kahapon, Setyembre 16.

Ito’y sina Maj. Jessie Miller ng Philippine Military Academy Class of 2010; First Lieutenant Mack-Ar Ferrer ng PMA Class of 2015; Staff Sergeant Miguel Banas; at Airman Second Class Benedicto Leal.

Ang mga ito ay pumanaw matapos mag-crash dahil sa masamang panahon ang helicopter ng Philippine Air Force 505th Search and Rescue Group sa Barangay Upper Manggas sa Lantawan.

Patungo sana ang helicopter sa Zamboanga para maglikas ng isang civilian personnel.

Sabi ng PAF, lubha itong nalulungkot sa pagpanaw ng apat na airmen at tiniyak na magbibigay ng tulong sa mga naiwang pamilya ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?