55

Dec 1, 2017 @ 13:37
By

4 patay nang madaganan ng trak sa Negros

Patay ang apat na katao makaraang mabagsakan ng 10-wheeler truck ang sinasakyan nilang kotse sa Bago City, Negros Occidental Huwebes ng hapon.

Sa ulat ng PNP, ala-1:30 ng hapon, nang mangyari ang insidente sa highway sa Purok Malipayun, Brgy Atipuluan, Bago City, Negros Occidental.

Minamaneho ni Herman Mohametano ang isang 10-wheeler truck patungo sa Bacolod nang biglang nawalan ito ng kontrol sa manibela.

Sa pabis na pagkataranta, nakabig niya ang truck pakanan at nabagsakan nito ang isang Hyundai Eon na minamaneho ni Runolo Espinosa, residente ng Uriarte Subdivision, La Carlota City.

Naipit si Espinosa at mga kasama nito sa kotse na sina Josephine Espinosa, Christine Sarsia at isa pang hindi nakikilalang lalaki.

Isinugod pa ang mga ito sa Bago City Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Nakakulong na sa Bago City Police Station ang driver ng 10 wheeler truck. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?