16

Jan 16, 2018 @ 9:16
By

4 pang SC justices haharap sa Sereno impeachment hearing

Inihayag ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na apat pang justices ang iimbitahan sa pagdinig ng impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Kabilang sa mga ito ay sina incumbent SC Justices Mariano Del Castillo at Andres Reyes, retired SC justice Adolf Azcuna, Court of Appeals (CA) Justice Remedios Salazar-Fernando, at iba pang court officials.

Muli ring pahaharapin sa pagdinig sina SC Justice Teresita Leonardo De Castro.

Nauna nang nagbigay ng testimonya si De Castro kaugnay sa alegasyon na mag-isang nagdesisyon si Sereno sa pag-iisyu ng isang temporary restraining order (TRO) na paglabag sa ‘collegial nature’ ng high court. (Aries Cano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?