125

Nov 4, 2017 @ 17:50

4 pang NPA, sumuko sa Bukidnon

Sumuko sa militar ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Malaybalay, Bukidnon kamakailan.

Ayon kay 403rd Infantry Battalion, 4th Infantry Division spokesman Captain Norman Tagros, dahil sa maigting na operasyon na ginagawa ng kanilang tropa kaya napilitang sumuko ang mga rebelde.

Unang sumuko ang isang NPA member noong Nobyembre 1 sa 1st Special Forces Battalion bitbit ang kanyang Garand rifle na may live ammunitions habang ang tatlo ay sumuko nitong Nobyembre 2 sa tropa ng 8th Infantry Battalion, dala ang kanilang isang M16, isang Garand at isang M1 cal. 30 Carbine rifle na may bala.

Kuwento ng mga sumukong rebelde, hirap na sila sa kanilang sitwasyon sa bundok, habang hanggang ngayon raw ay hindi natutupad ng pamunuan ng NPA ang kanilang pangakong susuportahan ang kani-kanilang pamilya. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?